Transcriber's note: This work forms part of the Tagalog translationof Noli Me Tangere (1909) by Pascual Poblete which is being presentedseparately in this edition.

Paalala ng nagsalin: Ang kathang ito ni Pascual Poblete ay pasimulasa isinalin na Noli Me Tangere (1909) sa Tagalog na ibinukod sa edisyong ito.


Cover image

BUHAY AT MG̃A GINAWÂ

NI

DR. JOSÉ RIZAL

NA SINULAT

NI

PASCUAL H. POBLETE

AT IPINALIMBAG NI

G. NENENG RIZAL

KAPATID NA PAÑGANAY NI

DR. JOSÉ RIZAL

May kalakip na maraming larawan.


LARAWAN


Dr. José Rizal

[I]

Decorative motif

José Protasio Rizal Mercado

Maicling casaysan nang canyang buhay

Ipinang̃anac si Gat Jose Protasio Rizal Mercado, sa báyan ng̃Calambâ, sacóp ng̃ lalawigang Laguna, ng̃ ikalabing siyam ng̃ Juniong̃ taóng sanglibo walóng dáan animnapo't isá.

Si G. Francisco Rizal Mercado ang canyáng amá at si G. Teodora Alonsoat Quintos ang canyáng iná.

Ipinang̃anac si G. Francisco Rizal Mercado at Alejandra ng̃ taóng1811, sa Binyáng, Laguna, at namatáy sa Maynila ng̃ ica 5 ng̃ Enerong̃ 1898, at si G. Teodora Alonso ay ipinang̃anac sa Meisic, sacóp ng̃Tundó, Maynila, ng̃ taóng 1825 at nabubuhay hanga ng̃ayón (8 ng̃ Juniong̃ 1909). Si G. Francisco Mercado ay nag-aral at marunong ng̃ wicangcastila at wicang latín, at si G. Teodora Alonso ay nag-aral sacolegio ng̃ Santa Rosa at marunong ng̃ wicang castila.

Ang naguíng mg̃a anác ng̃ mag-asawang ito'y si na guinoong Saturnina,Paciano, Narcisa, Olimpia, Lucía, María, Concepción, Jose, Josefa,Trinidad at Soledad.

Bininyagan si Jose Rizal ng̃ araw ng̃ sábado, icadalawampo'tdalawa ng̃ Junio ng̃ 1861. Si G. Rufino Collantes, páring clérigo atcura-párroco sa bayang Calambâ ang sa canyá'y nagbinyag, at si G.Pedro Casañas, páring clérigo at tubô sa Calambâ, ang sa canyá'ynag-anác sa binyág. Capow

...

BU KİTABI OKUMAK İÇİN ÜYE OLUN VEYA GİRİŞ YAPIN!


Sitemize Üyelik ÜCRETSİZDİR!